Tinta sa Papel ni Pedro: Reunion ng klase ko

<!– /* Font Definitions */ @font-face {font-family:"Cambria Math"; panose-1:2 4 5 3 5 4 6 3 2 4; mso-font-charset:1; mso-generic-font-family:roman; mso-font-format:other; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:0 0 0 0 0 0;} @font-face {font-family:Calibri; panose-1:2 15 5 2 2 2 4 3 2 4; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:swiss; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:-1610611985 1073750139 0 0 159 0;} @font-face {font-family:"Tekton Pro"; panose-1:0 0 0 0 0 0 0 0 0 0; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:swiss; mso-font-format:other; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:7 1 0 0 147 0;} @font-face {font-family:X-Files; panose-1:2 11 6 3 5 3 2 2 2 4; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:swiss; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:3 0 0 0 1 0;} /* Style Definitions */ p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal {mso-style-unhide:no; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; margin-top:0in; margin-right:0in; margin-bottom:10.0pt; margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:Calibri; mso-fareast-theme-font:minor-latin; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;} .MsoChpDefault {mso-style-type:export-only; mso-default-props:yes; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:Calibri; mso-fareast-theme-font:minor-latin; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;} .MsoPapDefault {mso-style-type:export-only; margin-bottom:10.0pt; line-height:115%;} @page Section1 {size:8.5in 11.0in; margin:1.0in 1.0in 1.0in 1.0in; mso-header-margin:.5in; mso-footer-margin:.5in; mso-paper-source:0;} div.Section1 {page:Section1;}

BY: JUSEPH ELAS

 “Thank you and Goodbye!”

Eto ang mga salitang naghudyat na kami ay paalis na sa eskwelahang kumupkop sa amin ng labindalawang taon. Matagal na panahon na ang nagdaan ngunit alalang-alala ko pa ang gabi ng aming graduation. Alalang-alala ko pa nung kami’y papasok pa lang ng gym, nagmamartsa. Kitang-kita sa mata ng bawat isa na masaya sila dahil tapos na, para sa karamihan, ang kanilang pasakit na matapos at ipasa ang kanilang term paper. Para naman sa iilan, tapos na ang kanilang karumaldumal na taon sa aming eskwelahan. Basta! Masaya ang lahat.

Sa unang tingin ay masaya ang lahat. Ngunit sa likod ng bawat ngiti ay ang puso’t isipan na malungkot. Sa mata ang aking mga kaklase ay halatang anumang oras ay papatak na ang mga luha. Alam ko ang kanilang nararamdaman, dahil ako rin ay nalulungkot sa napipintong pagpapaalam. Dati ay masaya ako dahil gagraduate na kami, ngunit ewan ko ba kung bakit ngayon, parang nagbabacklash ang lahat.

Nang matapos ang seremonya, sinalubong namin ang isa’t-isa ng mainit na yakapan, autographs, picture taking at maraming pang-iba. At sa huli ay nagpaalam na. Totoong halu-halo ang emosyon ko ng gabing iyon. ‘Di ko nga namalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha na di nagtagal ay para bang nagbabadya ng signal number four sa dami.

Asus madrama! Kung alam ko lang naalala ko lang iyon dahil…wala lang, trip ko lang siguro balikan ang nakaraan. Pero ‘wag mong ismolin ang trip ko! Dahil sa trip kong iyon, may naalala ako.

Rewind.

Dalawang araw na ang nakakaraan nang matanggap ko ang magandang balita na hatid hindi ng bibilya kundi ng FACEBOOK!

CHARUT!

Modern na talaga ano? Noong unang panahon naalala ko pa ang pari na nagwiwikang, “ang magandang balita mula sa bibliya na nanggaling sa libro ni…”. Dati iyon.

Ngayon?

Aha! Maglog-in ka lang sa Facebook account mo, at voila! Tatambang na sayo ang sangkatutak na notifications na hatid ay balita (paminsan pa nga ay tsismis!).

Ayunnaglog-in ako sa facebook account ko. Tinignan ang aking notifications ng biglangWWAAANNNGG! Alam kong may dumaan ngunit binale wala ko lang ito. Nagpatuloy ako sa pagche-chek ng aking mga balita/tsismis. NgunitWWAAANNNNGG! Dumaan nanaman. Alam kong hindi ito multo dahil una, di gumagawa ng sound effects ang mga multo ano (‘wag mong sabihin na modern na rin ang mga GHOST ngayon?) at pangalawa, hindi tumatayo ang aking mga balahibo.

Doon…doon sa aking dingding ay may isang insekto na akal ko ay makikita ko lang sa aking drawing book noong ako’y grade one pa lang. Dati kasi pag ako ay gumuguhit ng aso, ‘di ko mapigilan na gumuhit ng aso na mukhang ipis.

Ayun…walang pakundangan ko itong tinorture na para bang naulit muli ang trojan wars sa pagitan ng tao at ipis sa dingding. Ngunit, sa huli ay kinailangan kong magpasalamat sa ipis na iyon dahil kung hindi…hindi ko mababsa ang notification na ito: CLASS REUNION

Sa sobrang saya ay kulang na lang pagsindihan ko ng kandila ang labi ng ipis na para bang ginahasa sa bangketa. ‘Di agad ako nakatulog ng gabing iyon. Hinihintay na sana dumating na ang bukas, ang araw pagkatapos ng bukas at ang araw pagkatapos ng bukas ng bukas.

Ano na kaya ang itchura ng aking mga kaklase? May nagbago kaya sa kanila matapos ang maraming taon na kami ay ‘di nagkita? Naaalala ko pa noon noong sabay-sabay kaming nangarap at binuo ang aming mga pangarap sa buhay. Meron sa amin na gustong maging doctor, engineer, chemist, physicist, computer literate, etc

Pagkatapos ng dalawamput-apat na taon matapos ang aming graduation sa high skul, maririnig ko na kaya sa kanila na doctor na sila? Guro? Engineer? Chemist? Physicist? Etc? O ‘di kaya maririnig ko na lang na naging bentero sa bangketa na sila? Kargador? Mananabong?

Kung ano man ang kanilang estado sa buhay ngayon, wala na akong pake! Basta ang gusto ko, ay makita silang muli.

May 10, 2035

Dumating ang araw na aking pinananabikan. ‘Di ko masyadong napaghandaan ang reunion na ito. Wala akong masyadong dala – iisipin mo nga na magshoshoping lang ako sa isang mall. Ang tanging laman ng aking bag ay camera, cellphone, wallet, extrang damit pampalit at…wala na! Yun lang pala ang aking dala.

Pero, baka anong isipin ng mga kaklase ko kaya naghanda na rin ako ng pagkain. Solb. Reunion here I come na ang drama ko!

Lakad papuntang labas ng bahay. Isang sakay ng jeep papuntang bayan. Lakad ilang kalye papuntang sakayan ng jeep papuntang Pasonanca. Sakay ulit ng jeep papuntang Pasonanca Park. Pero kung iisipin ninyo na doon sa park ang aming reunion, NAGKAKAMALI kayo!

Pagdating ko doon ay may nakita ako…hindi tao hindi hayop kundi…lalagayan ng sapatos! Ano eto? Imbitasyon sa kasal ni Juday at Ryan? Ang alam ko matanda na sila ngayon! Ano? Ikakasal sila ulit? Ang sweet naman!

Pagbukas ko ng lalagyan ay akala ko sasambulat sa akin ang isang bomba na bumilis ang countdown mula sa 100 na naging 1 na lang at sasabog na bago mo pa ito maihagis at makalayo. Sa halip, isang papel na nagsasabing:REGENCY ang tumambad sa akin.

So ang simpleng reunion ay nauwi sa AMAZING RACE. Sumakay ako ulit ng…jeep? Hindi na no! Nagtrisikel ako para naman sosyal! Pagdating ko sa regency, nakita kong bumaba din sa isang trisikel si Monique. Kaso nga lang, ‘di namin namukaan ang isa’t-isa agad-agad. Sa mga taon na nagdaan ay malaki na ipinagbago naming dalawa. Si Monique ay sumeksi na, mahaba ang buhok at animo’y isang modelo na ng isang clothing line. Ako naman, dati isang maitim na pandak, ngayon ay isa nang Moreno, matangkad, mahaba-haba ang buhok at mukhang Amerikano. ‘Di mo talaga masasabi na mga yagit kami dati.

Pagpasok namin ng regency ay nakita namin si Arkhie. Siya nga pala ang nagorganize ng reunion na ito. Nakilala niya si Monique, siguro ay nagchachat sila sa Facebook kaya kilala parin nila ang isa’t-isa. Ako kasi, noong kolehiyo ay naging abala sa maraming bagay. Kinailangan kong magconsentrate sa kurso ko.

Mahirap ang kinuha kong kurso. AB Masscomm (Journalism) ang aking kinuha na siyang nagtanggal sa akin ng aking mga pribiliheyong gawin ang aking mga datin gawain. Pero ayus lang ‘yun.

Nilapitan ako ni Arkhie sabay tanong kung ano ang aking pangalan. Sa una ‘di naniwala ang kagwang, pero matapos ang ilang mga sandali, ay ayun! Naniwala din siya. Wow! Ang laki na pala talaga ng aking pinagbago…siyempre nagbago rin si Arkhie. Mula sa dating mukhang adikto na nakatambay sa gilid na pagtitignan ka para bang gagahasain ka, ngayon, asenso ang ulol! Angas ng dating pero certified na General na ng Air Force.

Hinatid niya ako sa loob…teka! Sa pool-side pala. Wow! Nakakaculture shock naman! Sino ang mga taong ito? Napatawa ako! Hindi ko na kilala ang aking mga kaklase na nagturo sa akin na kumain sa canteen pagkatapos ng bawat subject, mga kaklase kong nagturo sa akin maging malandi, mga kaklase kong nagturo sa akin na maging ako.

“Mga kaibigan,” nawindang ako, biglang sumigaw si Ark ng pagkalakas-lakas. “kilala niyo ba ‘tong guapong amerikano na ito?” tanong niya sa mga nandoon.

“Siya ‘yung may gusto dati kay…sino nga ba iyon?” patuloy ni Arkhie sabay tanong dahil nakalimutan niya ang pangalan ng taong dapat niyang banggitin. “Ahh! ‘Yung may gusto kay Keiko dati!”

Nung matapos si Arkhie sa kanyang opening remarks ay hindi ko alam kung lumindol dahil may tatlongput-anim na hippopotamus (joke lang, tao pala! HAHA) ang nagsitakbuhan sa akin at ako’y niyakap sabay banggit ng aking pangalan!

Una kong nakita sa dagat ng mga tao ang aking bestfriend noong kami’y high school pa, si Jhucel na ngayon ay isa nang crew member sa isang luxurious na barko. Walang duda, gumanda si Jhucel, at sumeksi pa lalo. Sunod ay si Charlene, wow! Ang ganda niyaisa rin siyang crew member pero sa eroplanoFive-star ba eroplano.Matangkad, maputi at slim.

Marami pa akong nakita ulit, si Leyann na certified ng public accountant at butihing may bahay ni Arkhie. Si Kelvene na isang ng Chemist sa California. Si Matthew…sa aking laking windang, ay isa nang artista. Si Ramonette na isa ng pintor – ang isa niyang obra ay nakapaskil sa La Rouve museum sa Paris.

Si Yndee, Grace, Karen Marcelle, KeikoKEIKO? Teka! Bakit parang may mali? Bakit…doon ko nalaman na hindi lang pala ‘to reunion ng mga taga-Pedro ngunit pati na rin ng mga taga-Pablo.

Wow! Nakakaculture shock talaga! Ang daming nagbago! HAHA pumunta ako sa isang gilid at kumuha ng pagkain matapos kong ilapag ang bag ko sabay sa iba pang bag. Nilapitan ako ng isa sa mga kaibigan ko pero ‘di ako tumingin sa kanya. Nakakahiya kasi.

“Kamusta na?” tanong niya. Kilala ko ang boses na iyon! Iyon yung boses na kahit ilang taon na ang nagdaan ay ‘di ko maibura-bura sa aking isipan. Si Keiko pala ang lumapit.

Ahm..ayos lang. Ikaw?” sagot ko sa kanya sabay tanong. Nagbublush na ako noon.

Ayos lang ‘din. Matagal tagal na din mula ng huli tayong nagkita ah? Anong nangyari?”

“Kaya nga eh! HEHE pasensya na. ahm…wala lang, nagfocus lang ako ng sobra sa aking pag-aaral.” Kinakabahan ako dahil muli, naka-usap ko ang dating crush ko. Nakakamangha lang ay ‘di nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Para siyang tattoo na ‘di na mabura-bura sa puso ko.

Ahwganon ba? Galing naman —”

Naputol ang kanyang gustong sabihin ng bigla akong napatingin sa likod ko. May yumakap sa akin…yung yakap na pamilyar. Si Aldrian na isa nang ano? Tanyag na doctor/astronomer/chemist. Sa kasamaang palad, matangkad parin ang gago.

“Kayong dalawa ah! Hm. HAHA joke lang Kei!” sarkastikong pahayag ni Aldrian.

“Ewan ko sayo Ald! Eh nangangamusta lang naman yung tao!” dipensa ko. Pero bago pa man kami makapag-usap muli ni Kei ay nagsigawan ang mga tao ng UUUYYYY kaya umiwas na ako.

Nag-usap kami ulit ng mga kasama kong sumasayaw tuwing may palatuntunan sa eskwelahan, mga friends, bestfriends, closefriends, mga crushes, at marami pa. ‘Yun yung araw na para bang ayaw ko na matapos. Ang saya-saya ng araw na iyon. Marami man ang nagbago, ngunit may isang ‘di nagbago kahit ilang karumaldumal na taon na ang nagdaan. Iyon ay ang aming pagkakaibigan.

Advertisements

6 thoughts on “Tinta sa Papel ni Pedro: Reunion ng klase ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s